Ang Disyembre 2022 ay espesyal na panahon para sa buong COA MIMAROPA. Bukod sa panahon ng Kapaskuhan ay kasabay ding ginunita ng opisina ang ika-10 taon o isang dekada magmula nang ito ay maitatag. Sa bisa ng Resolusyon Bilang 2012-016 na pinasa noong ika-7 ng Disyembre 2012 ng mga butihing miyembro ng Commission Proper, pormal nang hinati ang COA Panrehiyong Tanggapan Bilang IV sa dalawa: COA Panrehiyong Tanggapan Bilang IV-A CALABARZON at COA Panrehiyong Tanggapan Bilang IV-B MIMAROPA.
Ang pagdiriwang ng ika-10 taon ng COA MIMAROPA ay ginanap sa Puerto Princesa City, Palawan, noong ika-1 at hanggang ika-2 ng Disyembre 2022. Dumalo rito ang mga opisyal at kawani ng COA MIMAROPA na naka-gayak Filipiniana, sa pangunguna ni Gng. Lynflor M. Adolfo, Pangrehiyong Direktor, at Gng. Felicidad S. Medrano, Pangalawang Pangrehiyong Direktor. Ang mga naging Tagapagdaloy ng Palatuntunan ay sina Gng. Dessie Dhia C. Carido, Gng. Emmargel B. Alcantara, at G. Al Adrian G. Dazo.
Nagsagawa ng pag-uulat ng mga naisakatuparang gawain ng kani-kanilang pangkat ang bawat Hepe ng mga Dibisyon at Nangagasiwang Awditor. Kasunod nito ay inilatag rin nila ang mga layunin na kanilang tutuparin para sa susunod na taon.
Nagkaroon din ng pagkilala at pagpaparangal sa mga retirado at magreretirong kawani ng rehiyon, gayundin ang paggawad ng espesyal na parangal sa mga piling indibidwal at pangkat sa awdit.
Muling naitampok sa ipinalabas na natatanging dokumentaryo ang ilang mga opisyal at kawani na matagal na sa serbisyo sa Komisyon, kung saan inilahad nila ang kanilang mga naging karanasan bilang mga awditor o mga tanod sa salaping bayan. Surpresang pinarangalan si Gng. Concepcion M. Caldit, Nangagasiwang Awditor ng Probinsya ng Romblon, na magreretiro ngayong Disyembre sa edad na 65 at may 39 na taon sa serbisyo.
Naging mainit naman ang tagisan ng galing ng bawat pangkat mula sa mga probinsya ng MIMAROPA at Metro Manila sa Duwetong Pag-awit ng Kundiman at Paligsahan sa Pagsayaw. Ang tema ay pinamagatang “Makalumang Tugtog sa Makabagong Yugyog.” Hali-halili ang naging pagtatanghal ng bawat kalahok sa kundiman at pagsayaw kung saan ang bawat pagtatanghal ay inabangan at umani ng masigabong palakpakan. Higit na sumigla ang gabi nang surpresang maghandog ng sayaw ang mga Nangagasiwang Awditor mula sa Nasyonal at Korporasyong Awdit Sektor.
Muling nagharap at nag-init ang kompetisyon sa mga koponan ng mga probinsya at Metro Manila para sa iba’t-ibang palaro. Nasubok rito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga miyembro. Ang Technical Audit Group ang naging punong-abala sa mga palaro.
Ang ilan pa sa mga aktibidades ng Rehiyon ay ang Pagsayaw ng Zumba, Diskusyon ukol sa Kasarian at Kaunlaran na tinalakay ni Gng. Lucila A. Magpantay, Nangangasiwang Awditor para sa Water Districts, at pa-raffle ng iba’t-ibang pa-premyo.
Noong ika-15 ng Disyembre 2022 naman, ang buong Komisyon ay nagdaos ng Christmas Party. Para sa COA MIMAROPA, ang mga opisyal at kawani na nasa mga probinsya ay nakisaya sa pamamagitan ng Facebook Live. Kabilang sa programa ay ang mga munting palaro, pagpapalabas ng Christmas Carols ng bawat pangkat, at ang pagbibigay ng premyo sa nagwagi sa Christmas Caroling, Lantern-Making Contest, at Office Christmas Decoration Contest.
Ang mga opisyal at kawani na itinampok sa dokumentaryo ay ang mga sumusunod:
-
- Panrehiyong Tanggapan/Metro Manila – Gng. Dir. Leodivina A. De Leon
Gng. Lucila A. Magpantay
G. Atty. Reginald M. Arceo
- Panrehiyong Tanggapan/Metro Manila – Gng. Dir. Leodivina A. De Leon
-
- Occidental Mindoro – Gng. Ma. Etheliada A. Vizconde
Bb. Krizzan Jade P. Paguio
- Occidental Mindoro – Gng. Ma. Etheliada A. Vizconde
-
- Oriental Mindoro – G. Cromwell Y. Lorico
Gng. Roana May B. Calonge
Gng. Flora R. Axalan - Marinduque – Gng. Bernadette B. Jambalos
Gng. Edna L. Mayangitan - Romblon – Gng. Concepcion M. Caldit
- Palawan – G. Victoriano A. Acosta
Gng. Maria Fatima T. Plagata
G. Mark Jerome P. Cabugayan
- Oriental Mindoro – G. Cromwell Y. Lorico
Sektor na Nag-aawdit sa Pambansang Gobyerno
Romblon State University, NGAS Mga Pambansang Pamantasan at Dalubhasaan at Iba pang mga Stand-Alone na Ahensya
Pinuno ng Pangkat sa Pag-aawdit: G. Martino G. Belano III
Sektor na Nag-aawdit sa mga Korporasyon ng Gobyerno
Sablayan Water District, CGAS Mga Water Districts at Iba pang mga Stand-Alone na Ahensya
Pinuno ng Pangkat sa Pag-aawdit: G. Reynaldo Q. Dela Torre, Jr.
- Pinakamaagap na nagpasa ng Liham sa Pangasiwaan (Management Letter) para sa taong 2021
Regional Tripartite and Productivity Wage Boards MIMAROPA
Pinuno ng Pangkat sa Pag-aawdit: Bb. Chrisna Marie A. Go
Kasapi ng Pangkat sa Pag-aawdit: Bb. Princess A. Gonzales
Gng. Jane Rose L. Barcebal
National Conciliation and Mediation Board Region IV-B
Pinuno ng Pangkat sa Pag-aawdit: Bb. Kristine S. Cayetano
Kasapi ng Pangkat sa Pag-aawdit: Bb. Marianne V. Tatel
- Buod ng mga Napuna sa Awdit at mga Mungkahi sa Pangasiwaan (Summary of Audit Observations and Recommendations) para sa taong 2021
Public Attorney’s Office Region IV-B
Pinuno ng Pangkat sa Pag-aawdit: Gng. Vicky A. Andino
Kasapi ng Pangkat sa Pag-aawdit: Gng. Brigida S. Tolibas
- Pinakamarami na nailabas na Abiso ng Pagsususpinde sa Awdit (Notice of Suspension) sa taong 2021
Sektor na Nag-aawdit sa Pambansang Gobyerno
Ika-7 Kumpol – Mga Pagawaing-Bayan, Pang-Transportasyon, at Pang-Enerhiya
Nangangasiwang Awditor: Gng. Josefina R. Ponciano - Pinakamarami na nailabas na Abiso ng Hindi Pagpapahintulot sa Awdit (Notice of Disallowance) sa taong 2021
Sektor na Nag-aawdit sa Lokal na Pamahalaan
LGAS – E Probinsya ng Palawan
Nangangasiwang Awditor: Gng. Norma S. Racelis
- Pangkat sa awdit na may pinakamataas na antas ng paggamit ng ARDIS at COEMIS (100%)
Sektor na Nag-aawdit sa Lokal na Pamahalaan
LGAS – C Probinsya ng Marinduque
Nangangasiwang Awditor: Gng. Geronima G. Tan
- Mga hindi nagkaroon ng pagliban o pagkahuli sa trabaho para sa taong 2022
G. Miguel Antonio A. Diaz
Gng. Flora R. Axalan
Ang mga nagwagi sa mga patimpalak at palaro ay ang mga sumusunod:
- Duwetong Pag-Awit ng Kundiman
Unang Gantimpala: Occidental Mindoro
Ikalawang Gantimpala: Palawan
Ikatlong Gantimpala: Romblon
Konsolasyon: Oriental Mindoro
Marinduque
Metro Manila - Paligsahan sa Pagsayaw
Unang Gantimpala: Oriental Mindoro
Ikalawang Gantimpala: Palawan
Ikatlong Gantimpala: Marinduque
Konsolasyon: Occidental Mindoro
Romblon
Metro Manila
- Bituin ng Gabi – G. Al Adrian G. Dazo
Bb. Kimberly Faith B. Montoya - Palaro
Unang Pwesto: Romblon
Ikalawang Pwesto: Oriental Mindoro
Ikatlong Pwesto: Metro Manila
Ika-apat na Pwesto: Marinduque
Ika-limang Pwesto: Palawan
Ika-anim na Pwesto: Occidental Mindoro
- Christmas Carol Contest
Unang Pwesto: Metro Manila
Ikalawang Pwesto: Marinduque
Ikatlong Pwesto: Romblon
Konsolasyon : Occidental Mindoro
Oriental Mindoro
Palawan
- Lantern-Making Contest – Dibisyon ng Pangasiwaan, Pagsasanay, at Pananalapi
- Office Christmas Decoration Contest – Opisina ng mga Panrehiyong Nangangasiwang
Awditor
# Ulat ni Bb. Liane Rose R. Velasquez